(Nakakasawa ng english na lang ng english. Bubuhayin ko nga
pagkaPilipino ko, BatangeƱa na rin. Basahin mo para maligayahan ka naman kahit
papaano. May mapa na kalikip itong artikulong ito upang lubos mong maunawaan
ang aking kwento.)
Babala: May mga salitang ginamit dito na tanging isang tunay
na Batangenyo lang ang makakaunawa. Kapag may pagaalinlangan sa kahulugan ng
salita, maari lamang na itanong sa may akda.
Eto na.
Napakadaming ala ala nung ako'y musmos pa ang tumatakbo sa
isip ko ngaun. At sa tuwing naalala ko ito, ay talaga namang napapatawa ako,
parang nababaliw lang.
Sarisari ang trip ko nung bata pa ako. Sabi nga ng nanay ko,
may kaibigan pa nga daw akong dwende. Naalala ko nuon nung ako ay pinagwawalis
ng bakuran ng lola ko, sa ilalim ng malaking puno ng mangga, mayroon duong
isang maliit na kweba na lagi ko daw binibisita, kung saan nakatira ang mga
dati ko daw na kaibigang dwende. Lagi ko daw kinekwento sa mga nanay at lola ko
ang tungkol sa aking mga maliliit na kaibigan. Sabi ng lola ko, itanong ko daw
sa kanila kung ano daw ang tatama sa jueteng, (mahilig sa jueteng ang lola ko)
at itinanong ko nga ito sa dwende kong kaibigan. My binigay akong numero sa
lola ko at tumama nga ito, aba, lalung kumalat sa amin ang balitang my kaibigan
akong dwende. Pero hindi nagtagal at umalis na din ang mga kaibigan kong ito.
Isang araw, my mga nagiinum ng alak sa may ilalim ng mangga. Ako ay tinawag
nila, (malapit lang ang bahay namin sa puno ng mangga) at sinabi nilang itanong
ko daw ulit sa aking kaibigan ang tatama sa jueteng. Mayamaya, may nambato ng
piso sa inuman. Natahimik ang lahat. Marahil ay nagalit na ang kaibigan kong
dwende. At simula nuon ay hindi ko na daw nakita yung mga kaibigan kong iyon.
Ang alaala ng dwendeng iyan ay, sa maniwala ka man o sa hindi, ay hindi ko na
maalala. May nagsasabing sa pag alis ng mga dwendeng ito ay tangaytangay nila
ang memoryang nasagap ng aking kamusmusan.
Sa tabi ng puno ng malaking mangga ay isang napakalaking
swimming pool. Ay, hindi pala siya swimming pool, dati siyang palaisdaan na
ginawa lamang swimming pool. Ang bayad sa entrance fee nuon ay P15. At talagang
maraming tumatangkilik nito. Napakaraming alala nung ako'y musmo pa ang
nanatiling sariwa sa malaking pool na ito. Ako'y mayroong beting sut (bathing
suit) na kulay pink. At sa twing ako'y lalabas ng pinto aming munting bahay
para maligo sa pool ay sumisigaw ako ng 'Misssss Philippines.....' at lahat ng
aking pinsan at mga kamag anak ay maghahagalpakan sa tawa. Hindi ako maliligo
sa pool hangga't wala ang aking salbabida (ung maitim na rubber na gulong ng
mga sasakyan) at gagels (goggles). Kahit wala pa nga sa tuhod ang tubig ay
nagsasalbabida parin ako. Pero isa lang ang napatunayan ko, pwede ka pa ring
malunod kahit hanggang tuhod lang ang tubig ng isang pool, at kahit
nakasalbabida ka pa. Oo, maniwala ka, kasi nangyari na sa akin iyon. Wag mo ng
isipin kung papano nangyari iyon dahil puros katangahan lang ang pinairal ko
nuon. Buti na lang at nasa tabi tabi lang ang aking butihing ama, tinalon nya
ang hanggang tuhod na tubig para isalba ako. (Pihadong maga ang tuhod ni father
dear.) Hindi ko makakalimutan ang paglilinis ng pool na ito, talagang
nakakapagod kasi nga napakalaki. Kami kami ng mga pinsan ko at tita ko ang
naglilinis nito kasama ng mga brush at walis tingting. Ang mga makakapal na
lumot ang paborito naming brushin ng pinsan ko, dahil nagsusulat kami gamit ang
brush dito. Lagi namang sinusulat ang paborito naming Spice Girls at ang
salitang 'Wanna Be' dito. Kami ay sinuswelduhan ng lola ko ng pinakamataas na
P30 at kami'y tuwang tuwa na nun, pambili sa tindahan ng tita ko ng mga
chichirya. Ang malaking pool na iyon ay mananatiling alala na lng sa akin kasi
ito ay palaisdaan na ulit ngaun.
![]() |
Si Bibyana, ang bibo-bibohan kid. |
Alam mo ba iyong Millionaires' Game? Yung board games?
Parang monopoly? Inggit na inggit ako sa pinsan ko dahil mayroon sila nito.
Iyon ang paborito naming laruin ng mga pinsan ko sabay ng panonood ng paborito
naming MTV (lagi naming inaabangan ang Spice Girls at Backstreet Boys). Sa
twing maglalaro kami nuon at ako ay nababankrupt, ay napipikon ako. (hanggang
sa ngayon ay pikon pa rin ako). Tinatapon ko palayo ang board at magtatapunan
ang mga bahay at mga token na naandito sabay sabi ng 'Madaya' tapos ay magwawalk
out at magtatago sa loob ng bahay naman maghapon dahil hindi ko sila kabati.
Mayroon din kaming sidecar na pinagkakaabalahan nuon. Mahilig kami mamasyal.
Hindi ko nabanggit na may pababang parte na medyo matarik sa may ilalim ng puno
ng malaking mangga. Ito ang paborito naming pa-islaydan. Naalala ko nung isang
beses, sa pagislayd namin pababa habang nakasakay ng sidecar, nagtumbalik
(nagsungasob, nagtahiya) ang sidecar. Lahat kami ay sugatan, (maliban sa pinsan
ko na nasa manibela na nakatalon habang nagaalangan siya sa pag pidal) pero
kami ay utas sa kakatawa. Nyahahahahaha. Isang katibayan na napaka bait ng mga
pinsan ko ay isang beses, ako ay naglalakad pabalik ng bahay namin ng ako'y
tawagin nila. Binigyan nila ako ng parang candy na kulay orange at may red din.
Sabi nila, talagang napakasarap at napakatamis nito at kinain ko nga ito.
^&!)#)_~@$#(*&^!!!!!! Napaka anghang! Iyon pala ay sili! Dalidali
silang kumuha ng asukal at ako'y pilit pinakain nito. Isa sa mga paborito din
naming gawin ay umakyat sa puno ng aratilis para manguha nito. Minsan,
pagkatapos namin umakyat, pag baba namin, puro pantal na kami dahil natilasan
na pala kami. Ang puno ng aratilis ay madaming tilas (isang uri ng insekto na
nakakapangati kapag nadampian ang iyong balat). At napakasaya naman talagang
kasama ng aking mga pinsan na ubod ng katripan sa buhay.
Isang masayang lugar na malapit sa amin ay ang bahay kubo.
Gabigabi, ay may maririnig ka dung, 'tuuuuuukoooo, tuuuukoooo' at tama ka, iyon
nga ay tuko. Lagi kaming tinatakot ng tita ko kapag kami ay nagpapasaway sa
kanya. Kapag ang mga pinsan ko ay hindi umuwi sa bahay nila, kami ay natutulog
sa kubo kasama ng tita ko at ng tuko. Naalala ko ang tawag sa akin ng isa kong
pinsan ay 'Telebok', dahil ito ang tawag ko duon sa isang chocolate na talagang
paborito ko nuong bata ako maliban sa Watchamacallit na chocolate. Kapag gabi
na at kami ay gising pa, nagnanakaw kami ng chichirya sa paninda ng tita namin
na nakatago dito sa bahay kubo. Pero ngayon, ang dating bahay kubo ay bahay
bato na. Pinaayos ng tita ko at may palagian ng tumitira dito ngaun.
![]() |
Ito ang mapa ng munti naming bakuran. |
Ang isa sa mga pinakamahalagang natutunan ko nuong ako ay
bata pa ay kung paano kumita ng pera. Aking nabanggit sa taas na mayroong
malaking pool na tinatangkilik ng karamihan sa aming komunidad. Paminsanminsan
ay ako ay nagbabantay nito, at kumikita ako ng P10 hanggang P20 kada araw
depende sa kita ng pool. Habang wala pang dumadating na mga parokyano ay ako ay
nagwawalis ng mga dahondahon at balatbalat ng chichirya na siya namang
binebenta ng aking butihing tiyahin. Ang pagwawalis na ito ay nagbibigay sa
akin ng P10 hanggang P15 na bayad. Kapag inaalisan naman ng tubig ang pool ay
kumikita ako ng mga P30-P50, depende sa dami ng naglilinis, libre merienda pa.
Sa tuwing sasapit ang gabi sa mainit na bakasyon, ako ay sumasama sa aking lola
paminsanminsan sa kanyang munting tahanan sa Tambakan. Kahit nasa bahay ako ng
lola ko ay kumikita pa rin ako. Sa paanong paraan? Minamasahe ko ang likod ng aking
lola my labs. At sa bawat dighay niya, sa bawat 'lamig' na nailalabas niya
dahil sa aking masahe ay may katumbas na P1. Parang metro lang ng taxi.
Nakakalungkot lang at wala na ang lola kong iyon. Pumunta na sa kabilang
bundok, kasama ng aking lolo na isa. Sana masaya sila duon. Kapag nagkita ulit
kami ng lola my labs ko, promise, d ko na siya sisingilin sa bawat dighay niya
pag hinilot ko siya. :) (2008)
No comments:
Post a Comment